January 24, 2025

640 gramo ng shabu, isiniksik sa lata ng choco wafer

DALAWANG lata ng chocolate wafers ang nadiskubreng na naglalaman ng 640 gramo ng shabu ng mga alertong tauhan mula sa Bureau of Customs-NAIA.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang nasabat na nasabing droga ay may street value na P4.5 milyon.

Nabatid na nadiskubre ang droga ng Customs examiner sa isisinagawang 100 porsiyento na pisikal na pagsusuri sa mga inabandonang DHL cargo sa NAIA Customs Bonded Warehouses.

Batay sa record, ang mga nasabing kontrabando ay galing sa Las Vegas, Nevada, U.S.A. at ipinidala sa isang residente ng Hagonoy, Bulacan.

“In an apparent attempt to conceal the said shabu, the same were described in the covering Airway Bill as “Toys/Present”.  However, ensuing physical examination thereof revealed the same to contain chocolates, stuffed toys, candies, slippers, socks and the two cans of chocolate wafers where the illegal drugs were hidden and used to conceal the illegal drugs,” ayon sa BOC.

Sa isinagawang pagsusuri ng CAIDTF at Chemical Laboratory Analysis ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nakumpirma nila ang nasamsam na white crystalline substance o mas kilala na shabu.

Sinabi ni Talusan na ang nasamsam na ilegal na droga ay agad nilang ipinagbigay-alam sa PDEA para sa karagdagang profiling at case build-up laban sa mga importer at responsableng tao na nasa likod nito na mahaharap sa kasong paglabag sa Dangeroust Drugs Act of 2002, na may kaugnayan sa Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.  “The seizure further manifests the commitment of the Bureau of Customs under the leadership of Commissioner Rey Leonardo Guerrero, in collaboration with the Philippine Drugs Enforcement Agency, to curtail all  attempts to smuggle dangerous drugs into the country,” ayon kay Talusan.