September 28, 2024

64 DATING GUMAGAMIT NG DROGA NAGTAPOS SA NAVOTAS REHAB PROGRAM

NAGTAPOS ang aabot 64 persons who used drugs (PWUDs) sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Pinuri sila ni Mayor John Rey Tiangco dahil sa pag-amin nila ng kanilang adiksyon at pagkakaroon ng determinasyon na magsikap para malampasan ito. (JUVY LUCERO)

UMABOT sa 64 persons who used drugs (PWUDs) ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Kasama sa Bidahan ang anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at anim pang buwang aftercare.

Sa ilalim ng programa, ang mga kalahok ay dumaan sa isang serye ng lingguhang psychoeducation lecture, counseling sessions, group therapy sessions, relapse prevention sessions, at life skills training.

Sumasailalim din sila sa random drug testing upang matiyak ang kanilang pagsunod sa programa.

Pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pag-amin ng kanilang adiksyon at pagkakaroon ng determinasyon na magsikap para malampasan ito.

“Participating in Bidahan is just the beginning of the long and arduous process of healing and recovery,” aniya.

“We hope that with the care and support of their family, loved ones, and the whole Navoteño community, our PWUDs will be able to lead better lives and continue to avoid vices that bring harm, not only to themselves but also their loved ones,” dagdag niya.

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Navotas na mapuksa ang problema sa iligal na droga sa lungsod sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na anti-illegal drug operations, sa tulong ng mga ulat mula sa mga mamamayan.

Ang mabilis na pagkahuli sa mga lumalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ay naiaambag din sa pagtutulungan ng komunidad at ng pamahalaan.

Nitong Marso 2023, nasa 284 na mga drug surrenderer ang nagtapos sa iba’t ibang rehab program na ipinatupad sa lungsod. (JUVY LUCERO)