
PASAY CITY — Nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 62-anyos na babae na nagtatangkang magdala ng mahigit dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.7 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa PDEA, ang suspek ay patungo sana sa Bacolod City nang maaresto sa Final Security Screening Checkpoint sa International Departure Area. Nasa kanyang hand carry baggage ang dalawang kilo ng puting kristalinang substansiya na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Kasama sa mga nasamsam sa operasyon ang isang cellphone, digital weighing scale, travel documents, at identification cards ng suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang babae at haharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang imbestigasyon para matunton ang iba pang posibleng konektado sa operasyon ng ilegal na droga.
More Stories
PBA Season 49: Ginebra vs Meralco, TNT vs NorthPort—Laban para sa Quarterfinals
TEVES, BALIK PILIPINAS! BALO NI DEGAMO NAGPASALAMAT KAY PBBM AT SA TIMOR-LESTE
Gen. Torre bagong PNP chief; CHED at OSG may kapalit na rin