June 14, 2025

61 sa 66 Senatoriables, Nakapagsumite ng SOCE sa Comelec Bago ang Deadline

MANILA — Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na 61 sa kabuuang 66 kandidato sa pagkasenador ang nakapaghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa May 12, 2025 midterm elections bago ang itinakdang deadline noong Hunyo 11.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi na palalawigin ang deadline sa pagsusumite ng SOCE. Samantala, 25 political parties at 144 party-list groups rin ang nakapagsumite ng kani-kanilang SOCE.

Hindi nakapagsumite sina Chavit Singson, Wilbert Lee, Teodoro Casiño, at Roy Cabonegro, kung saan sina Singson at Lee ay nagbitiw sa kandidatura bago pa ang halalan. (ARSENIO TAN)