MAHIGIT kumulang sa 6,000 residente ng Albay ang nawalan ng bahay matapos wasakin ng Bagyong Rolly.
“There are about maybe 6,000 homeless because their houses were totally damaged along the coastline, along riverbanks,” ayon kay Governor Al Francis Bichara sa isang panayam sa ANC.
“Until now, some of the houses are still submerged and they have to stay in evacuation centers.”
Nag-landfall si Rolly sa Catanduanes bago magmadaling-araw noong Linggo, bitbit ang lakas ng hangin na 225 kilometers (140 miles) per hour at matinding pag-ulan sa buong rehiyon.
Sa Tiwi, Albay ang pangalawang landfall ng bagyo ilang oras lang ang lumipas.
Hanggang kaninang umaga, sinabi ni Bichara na wala pa ring supply ng kuryente sa buong lalawigan dahil napinsala ang lahat ng transmission towers ng National Grid Corporation ng Pilipinas dahil sa malakas na bagyo.
“More or less, according to the electric cooperative, within the Legazpi area and some neighboring towns, we may have electricity within two weeks time, but it depends on the NGCP if they can do the repair of the transmission lines and the towers,” ayon sa gobernador.
Sapat naman aniya ang supply ng tubig sa lalawigan. Sinabi rin niya na nadadaanan na ang karamihan sa mga kalsada ng probinsiya.
Samantala, umapela naman ng tulong si Bichara sa national government, kung saan sinabi nito na aabot lamang sa P60 milyon ang calamity fund ng provincial government para sa susunod na dalawang buwan.
“Kaunti na lang, we only have about P60 million para sa calamity for the next two months,” he said.
“Sa dami ng taong walang bahay, they are all in evacuation center so we need more than that,” he added.
Bukod sa karagdagang pondo, nag-request din si Bichara ng pagkain at construction materials para sa kanyang nasasakupan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA