NAKATAKDANG kumuha ang gobyerno ng Germany ng 600 na nurses mula sa Pilipinas para sa mga partner nitong ospital at elderly care centers, ayon sa embahada ng Germany ngayong Lunes.
Ang programa ay bahagi ng Triple Win Project (TWP) ng Germany at gobyerno ng Pilipinas, kung saan ang Department of Migrant Workers ang naatasang manguna sa pagkuha ng mga rehistradong Filipino nurses na may hindi bababa sa isang taong karanasan sa mga ospital, rehabilitation center at mga institusyon ng pangangalaga o pribadong duty nurse.
“Filipino nurses employed in Germany benefit from the high standards of German labor laws and ample social security system regulations, including health insurance, pension insurance scheme, and unemployment insurance,” ayon sa German Embassy.
Para sa mga interesadong aplikante, ito ang requirements para sa nasabing trabaho:
May kasanayan sa wikang German ng B1 o B2 Level alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages (dapat nasa loob ng 1 taon ang certificate mula sa petsa ng paglabas) o sumailalim sa pagsasanay sa wikang Aleman sa Pilipinas para makamit ang Level B1 (babayaran at aayusin ng Triple Win); at dumalo sa klase ng wika na maaaring magsimula anumang oras mula Nobyembre 2022 hanggang Enero 2023.
Ang mga aplikante naman na mayroon nang mga sertipiko ng B1 at/o B2 at nabigyan ng higit sa isang taon ay dapat kumuha ng libreng refresher course na alok ng TWP.
Kailangan ding magsumite ng mga aplikante ng mga sumusunod:
- cover letter at curriculum vitae
- colored passport-size na larawan
- kopya ng valid passport
- notarized nursing diploma sa pagtanggap sa programa
- at board certificate at kopya ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC).
Dahil government to government ang TWP sasagutin ng Germany ang:
- Free German Language training (A1-B1 level)
- Bonus payment sa pagpasa sa A2 at B1 sa first take (250 Euro)
- Free translation ng recognition documents at certification
- Travel expenses (visa at airfare)
- Assistance sa paghahanap ng matitirhan kapag nasa Germany na
Noong 2013 pa ikinasa ng Germany ang TWP kung saan ang mga naunang nakuhang Pinoy nurses ay promoted na sa kanilang mga trabaho.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY