
Patay ang 60-anyos na housewife habang sugatan ang 37-anyos na delivery boy matapos silang salpukin ng tuk-tuk o three-wheel motorbike nitong Biyernes ng umaga sa Barangay Hagakhakin sa Gumaca, Quezon.
Kinilala ni Police Major Marnie Abellanida, Gumaca police chief, ang biktima bilang Elsa.
Ayon kay Abellanida, naglalakad si Elsa sa kalsada nang makatulog ang driver ng tuk-tuk na si Andres, 42, security supervisor, dahilan para mawalan ng kontrol ang minanehong sasakyan na may plalang 104HWP.
Nabangga ng tuk-tuk si Elsa at ang delivery boy na si Alvin.
Idineklarang wala ng buhay si Elsa sa Gumaca District Hospital habang nagpapagaling na si Alvin.
Nahaharap ngayon si Andres sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damage to property.
More Stories
Double pay para sa private sector workers sa Eid’l Fitr
TIWALA NG MGA PINOY KAY PBBM BUMAGSAK
3 sugatan… NEGOSYANTE NA NAMARIL DAHIL SA AWAY-TRAPIKO SA ANTIPOLO, KALABOSO