NASABAT ng pulisya ang halos P.6 milyon halaga ng umano’y shabu sa anim na hinihinalang tulak ng illegal na droga na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.
Ayon kay Calooocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy bust operation sa Sampaguita St., Brgy. 97 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Kenneth Del Monte alyas “Bokyo”, 43.
Nakumpiska sa kanya ang dalawang mmedium plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug price P204,000 at buy bust money na isang P500 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money.
Nauna rito, alas-5:30 naman ng madaling araw nang maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Baesa Road, Brgy. 185 sina Jell Constantino alyas “Bakulaw”, 41, at Raymond Constantino, 38. Nakuha sa kanila ang nasa P136,000 halaga ng hinihinalang shabu at buy bust money, cellphone, coin purse at P400 bill.
Sa Brgy. 73, natimbog naman ng isa pang team ng SDEU sa pamumuno ni PMAJ Cerillo sa buy bust operation sa Abbey Road 2, alas-4:00 ng madaling araw sina Erwin Manuel, 35, at Josel Buringgot, 28. Nasamsam sa kanila ang abot 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000 at buy bust money.
Samantala, nabitag naman ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Dennis Odtuhan sa buy bust operation bandang alas-11:00 ng gabi sa Pabahay Arch. MRH NHA, Sitio Brgy. 188, Tala si Lorena Martir alyas “Letlet”, 37. Nakuha sa kanya ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na nasa P102,000 ang halaga aty buy bust money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA