HINIMOK ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na i-report ang trafficking attempts sa pamamagitan ng 1343 Actionline ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT)., kasunod ng matagumpay na pagkakaharan sa anim na trafficking victims sa Palawan.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, humantong sa pagkakasagip ng inter-agency action matapos makatanggap ng tip ang national operation center ng BI tungkol sa pagtatangka ng mga trafficking victims na lumabas ng bansa sa pamamagitan ng illegal na paraan.
Sabi ng BI, agad ipinagbigay-alam ng immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) officers ang impormasyon sa IACAT.
Nasagip ang anim na biktima matapos silang magtangka na lumabas ng bansa sa pamamagitan ng Bancalaan Island sa Balabac, Palawan gamit ang isang maliit na bangka.
Ayon kay Sandoval, minonitor ng mga operatiba ng Ninoy Aquino International Airport Task Force on Anti-Trafficking (NAIA-FAT) ang kanilang pag-alis mula NAIA patungo sa Puerto Princesa sa Palawan at mula roon, ipinagpatuloy ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Unit at mga ahente ng National Bureau of Investigation ang pagmonitor sa kanilang galaw.
Bumiyahe umano ang mga biktima mula Puerto Princesa patungo sa Buliluyan, Bataraza at pagkatapos ay bumiyahe gamit ang bangka sa Bancalaan Island kung saan sila hinarang sa pakikipagtulungan ng Balabac Municipal Police at Barangay Officials at ibununyag na ni-recruit sila sa pamamagitan ng Telegram at inalok ng trabaho sa Thailand.
Ayon sa kanila, sinunod lamang nila ang instructions ng kanilang recruiter na makipag-meet up sa Palawan, kung saa pinangakuan sila ng kanilang recruiter na may bangka na naghihintay sa kanila.
Dinala pabalik ang mga biktima sa Puerto Princesa City para sa karagdagang imbestigasyon ng NBI. (ARSENIO TAN)
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
Lalaki, arestado sa panggugulo at baril sa Navotas
2 welder, patay nang ma-trap sa nasunog na barko sa Navotas