Anim na hinihinalang drug personalities ang bumagsak sa kulungan matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police deputy chief PLTCOL Rhoderick Juan ang mga naarestong suspek na sina Jun Jun Cawaling, 30, Roneth Torres alyas Tambok, 23, Gilbert Llenarisas, 41, Aries Pineda, 24, Napoleon Alejo, 57, at Ferdinand Fragas, 35.
Ayon kay PSSg Salvador Laklaken Jr, dakong alas-11:50 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa kahabaan ng Block 2 Pla-pla St., Brgy. Longos kung saan nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer kay Cawaling at Torres ng P500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama ng apat pang mga suspek na naaktuhan sumisinghot umano ng shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang sa 3.17 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P21,556.00, buy-bust money, isang unsealed transparent plastic sahet na naglalaman ng shabu at ilang drug paraphernalias.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna