ARESTADO ang anim na indibidwal matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasabong sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong “Rolly” sa Valenzuela city, Linggo ng hapon.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil sa nagaganap na tupada sa Tercias Compound, Brgy. Karuhatan habang naghahanda sa posibleng pananalasa ng malakas na bagyo.
Dakong alas-3:20 ng hapon, sinalakay ng mga operatiba ng ng SIB sa pangunguna ni P/Capt. Marissa Arellano ang naturang compound na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alejandro Dela Cruz, 63, Jeffrey Solambao, 39, Jhun Bugarin, 45, Robertson Mallare, 26 at Joseph Sabaniano, 36, habang nakatakas naman ang iba pa.
Nakumpiska ng raiding team ang dalawang panabong na manok na may nakakabit pang tari sa mga paa ng mga ito at P3,300 bet money.
Sinabi ni Col. Ortega, ang mga naarestong suspek ay iprinisinta sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng electronic inquest proceedings sa para sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at inisyuhan din sila ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa paglabag sa Social Distancing.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA