December 19, 2024

6 sa 10 4Ps beneficiaries wala sa DSWD database – COA

SINILIP ng Commission on Audit (COA) ang proseso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpili ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa limang rehiyon.

Ayon sa COA, posibleng napunta ang cash assistance sa ilalim ng 4Ps program sa mga pamilya na hindi kabilang sa mahihirap na sektor, o kasama sa Listahan.

Ang Listahan, o mas kilala bilang National Household Targeting System for Poverty Reduction, ay ang database ng DSWD para matukoy kung sino o kung nasaan ang mga mahihirap na pamilya sa bansa, para sa layuning ma-target ang anti-poverty programs.

Kabilang sa mga rehiyon na natukoy ng 2022 audit na may anomalya sa DSWD ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Calabarzon.

Pinagtugma ng COA ang 4Ps recipients at Listahan 2 sa mga nabanggit na rehiyon, at nalaman na karamihan dito ay wala o hindi kasama sa poverty database.

“Of the 4,970 sampled beneficiaries included in the 4Ps database, 2,991 or 60.18% were not included in the Listahanan 2 submitted to the audit team,” saad ng COA.

Inilabas ang Listahan 2 noong 2016. Ang updated na Listahan 3, ng mga salik ng COVID-19 pandemic, ay inilabas noong 2022. Hindi malinaw kung bakit ang Listahan 3 ay hindi ang database na isinumite sa COA.

Ayon sa COA, na ang pagkakasama ng 4Ps beneficiaries na wala sa Listahan ay kontra sa Republic Act. No 11310, o ang 4Ps law.

Suportado rin ng Executive Order No. 867, series of  2010 ang paggamit ng Listahan bilang basehan para matukoy ang poor households na karapat-dapat na mapabilang sa social protection program.

Nagbabala rin ang state auditors na ang halaga sa pondo para sa programa na maaring inilaan sa mga hindi karapat-dapat na pamilya ay maaring substantial, na itinuturing na large discrepancy.

 “The total amount of non-inclusion found was considered material as it represented 60.18% of the total sample size selected. This may mean that the 4Ps section included names in the 4Ps database independently assessed and not lifted from the Listahanan 2,” ayon sa COA.

Nasilip din ng COA na mayroong mga duplicate beneficiares sa 4Ps program.

 “Payments to the 229 and 139 4Ps beneficiaries in CYs 2020 and 2021 amounting to P3.8 million and P3.2 million, respectively, included duplicate names casting doubt on the adequacy of controls to detect duplicates in the 4Ps database maintained in the Central Office,” mababasa sa report.