December 21, 2024

6 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA

Patay ang anim na katao matapos na masunog ang apat na palapag na gusali sa Blumentritt sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas dos ng madaling araw ng Sabado.

Ang tatlong biktima ay nasa ikalawang palapag ng gusali habang ang tatlo naman ay nasa ground floor ng gusali.

Nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa lugar dahil sa masikip na daanan sa Laonlaan St. Blumentritt, Sampaloc, Maynila.

Umabot sa mahigit tatlong oras bago tuluyang madeklara ng BFP na fireout ang insidente.

Nadamay din ang ilang mga kabahayan na katabi ng nasabing nasunog na gusali.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog sa lugar.