Patay ang anim na construction workers matapos gumuho ang pader sa isang construction site sa Barangay Kaybagal Central sa Tagaytay City noong Lunes ng gabi.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Tagaytay City Police Station, nagpapahinga ang mga stay-in workers sa kanilang barracks nang gumuho at bumagsak ang kongkretong pader ng Hortaleza Farm sa kanila dahil sa malakas na ulan.
Ayon sa Philippine National Police, namatay ang anim na biktima, habang dalawa ang lubhang sugatan sa naganap na aksidente dakong alas-6:20 ng gabi.
“Ang confirmed dead po ay anim — bale iyong na-recover kagabi at saka ngayon as of 12:45 ng tanghali. Maliban doon sa anim na namatay, may dalawa pa po na injured,” wika ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ronilo Casaway, Nino Villasquez, Daniel Nesperos, William Ocong, Jerimy Doña, at Ramir Gamba.
Samantala, nakaligtas naman sina Marco Paulo Abarrientos and Anthony Villasquez sa nasabing aksidente.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan