BALIK normal na ang mga eskwelahan, negosyo at mga opisina nitong Miyerkules sa Seoul, South Korea matapos anim na oras na biglaang martial law at high political drama na labis na nagdulot ng matinding takot.
Umani ng kabilaang pagpuna si South Korean President Yoon Suk Yeol kasunod ng ginawang pagdedeklara ng martial law at kinalaunan ay pagbawi rin dito.
Ayon kay Seoul resident Gang He-Soo, 50, nagising siya habang natutulog at nanood ng balita.
Matapos nga ang deklarasyon ni Yoon ng Martial law na layuning depensahan ng kanilang bansa mula sa North Korea at pro-North anti-state forces at protektahan ang kanilang malayang constitutional order, nagbunsod ito ng gulo at demonstrasyon kung saan ilang mga tao ang umakyat pa sa parliament building sa pamamagitan ng pag-smash sa bintana at makikita din ang mga umaaligid na military helicopters sa himpapawid.
“At first, I was scared and very confused. I kept thinking, ‘What is going on? Is this something that could actually happen in this era?’ I couldn’t sleep until the martial law was lifted because I was so frightened,” ayon kay Gang, habang naglalakad sa main commercial ng Seoul at tourist district na Gwanghwamun.
“It was an experience that I’ve only seen in movies, and I realized how much more serious it is than I had imagined,” sabi naman ng 39-anyos na si Seoul resident Kim Byeong-In.
Aniya, nangangamba siya sa magiging epekto nito sa ekonomiya.
“I’m deeply disturbed by this kind of situation, and I’m very concerned about the future of the country,” dagdag pa niya.
Samantala, ilan sa mga kaalyadong bansa ng South Korea ang ang nagpakita at nagpahayag ng pagkabahala sa ginawa ng pangulo.
Kabilang dito si Swedish Prime Minister Ulf Kristersson na nakatakda sanang bumisita sa SoKor para sa isang summit ngayong linggo. Matapos ang ginawa ni Yoon, kinansela na ng Swedish PM ang kaniyang biyahe.
Maging ang US ay nagdesisyon na ding kanselahin ang nakatakda sanang military exercise sa SoKor.
Sinundan din ito ni dating Japan PM Yoshihide Suga. Nakatakda sanang magtungo si Suga sa SoKor sa kalagitnaan ng Disyembre ngunit kinansela rin niya ito kasunod ng deklarasyon ni SoKor Pres Yoon.
Sa kasalukuyan, ayon kay Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba, binabantayan nila ang sitwasyon sa SoKor at ang posibleng epekto nito sa mga katabing bansa tulad ng Japan.
Pinaplano ng pangunahing opposition party sa South Korea na Democratic Party na magkasa ng impeachment proceedings laban kay SoKor President Yoon Suk-Yeol sakaling hindi agad ito magbitiw sa pwesto kasunod nga ng panandaliang deklarasyon ng martial law sa nakalipas na magdamag.
Sa isang statement, sinabi ng opposition party na kapag hindi nagbitiw si Yoon agad na magsasagawa ng impeachment proceedings ang Partido alinsunod aniya sa kagustuhan ng mamamayan ng SoKor.
Ayon sa koalisyon ng mga mambabatas mula sa opposition parties, plano nilang magpanukala ng isang bill para i-impeach si Yoon ngayong Miyerkules na pagbobotohan sa loob ng 72 oras o 3 araw.
Batay naman sa isang presidential official, nag-alok ang chief of staff at senior secretaries ni Yoon na mag-resign nang maramihan.
More Stories
ANTHONY JENNINGS NILINAW NA MAGKAIBIGAN LANG SILA NI MARIS RACAL
TOLENTINO: SUSPENSIYON NG LTO PLATE DEADLINE, TAGUMPAY PARA SA MGA RIDER
DOKTOR PATAY NANG TIKMAN ANG INUMING IPINADALA NG PASYENTE