PINAPURIHAN ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang anim na opisyal at kawani ng Department of Education na tumanggap ng parangal mula sa Civil Service Commission o CSC 2022 Outstanding Public Officials and Employees – Dangal ng Bayan Award at Pagasa Award
Kabilang sa tumanggap ng 2022 Dangal ng Bayan Award mula sa Department ay sina Rowan Celestra, Principal ng Buenavista Elementary School in Sorsogon; Ju-im Jimlan, head teacher ng Tamalagon Integrated School sa Aklan; Antonio Morada, librarian sa Legazpi City; at Rizalina Nacpil, guro sa San Manuel Elementary School sa Tarlac City.
Sina Ailene Añonuevo, Chief Education Supervisor ng Schools Division ng Panabo City, Davao del Norte at Pablita Cabarles, master teacher I sa Manga National High School sa Tagbilaran City ay tinanghal na CSC Pagasa awardees.
Ayon sa CSC, ang Dangal ng Bayan Award ay ipinagkakaloob sa individuals para sa kanilang natatanging pagtratrabaho at pagbibigay ng serbisyo sa publiko na naaayon sa tinatadhana ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ang CSC Pagasa Award, naman ay ibinibigay sa mga indibiduwal na o grupo ng mga indibiduwal dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa na kapakipakinabang hindi lamang sa isang departamento ng pamahalaan.
Ayon sa kalihim ang award na tinanggap ng mga naturang opisyal at kawani ng DepEd ay malinaw na pagpapakita ng kanilang marubdob na pagnanais at dedikasyon sa tunay at epektibong serbisyo publiko sa pamamagutan ng pagpapakita ng integridad at pagtugon sa tungkulin.
Umaasa ang Bise Presidente na marami pang educators at kawani ng pamahalaan ang magsisilbi ng may katapatan, epektibo at natatangi.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR