November 18, 2024

6 NA BANGKAY NG BUMAGSAK NA CESSNA SA ISABELA, DINALA SA CAUAYAN AIRPORT – CAAP

Isinalilalim sa disinfection at nilinis ang PAF Huey helicopter na nagdala sa mga labi ng Cessna 206 victims sa Cauayan Airport (JERRY S. TAN)

NADALA na sa Cauayan City ang mga labi ng biktima ng bumagsak na Cessna plane sa Isabela.

Dakong alas-8:38 kaninang umaga nang dumating ang Philippine Air Force (PAF) Huey helicopter sakay ang mga labi ng anim na biktima sa Cauayan Airport galing Davilacan, Isabela.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, kinumpirma na natagpuan noong Marso 9 ganap na alas-11:46 ng umaga ang wreckage ng Cessna 206 aircraft (RP-C1174), na nawala noong Enero 24, 2023 matapos lumipad sa Cauayan Airport sa Isabela, ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ilang Dumagat na nakakita sa aircraft sa Barangay Ditarum, Davilacan, Isabela.

Nagtungo sa crash site ang mga imbestigador ng CAAP-Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIB) para magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon, ayon kay Apolonio. JERRY S TAN