September 16, 2024

6 drug suspects timbog sa Navotas buy bust

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief P/Col.Mario Cortes, dakong alas-8:05 ngf Linggo ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. San Jose sina alyas Bembem, 28 at alyas April 24, kapwa ng lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

Nauna rito, alas-12:38 ng Sabado ng madaling araw nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Gov. PascualSt., Brgy. Daanghari sina alyas Nognog, 39 at alyas Jason, 36, kapwa rin residente sa lungsod.

Nakuha sa kanila ang aabot 5.17 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,156 at buy bust money.

Sa Goldrock St., Brgy. San Roque, nasilo naman ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation din bandang ala-1:21 ng madaling araw sina alyas Ryan Bakla at alyas Pido.

Ani Capt. Sanchez, nasamsam sa kanila ang nasa 5.12 gramsng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,816.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasongpaglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.