KALABOSO ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na dayuhang pugante kabilang ang apat na Chinese na wanted sa mga awtoridad sa Beijing dahil sa iba’t ibang krimen.
Ayon kay BI Officer-In-Charge Joel Anthony Viado, nadakip ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy, ang apat na Chinese national na sina Wei Hanbing, 33; Wang Bo, 32; Wang Zhaoshan, 37;’at Guo Dong, 26.
Si Wei Hanbing ay wanted ay pinaghahanap ng batas kaugnay sa krimen na may kinalaman sa illegal na kita habang sina Wang Bo at Wang Zhaoshan ay wanted sa fraud, samantalang si Guo Dong ay pinaghahanap dahil sa illegal na negosyo.
Ang mga nasabing banyaga ay kabilang sa mga inaresto ng pulisya sa isang raid sa isang hinihinalang crypto-currency investment at love scam hub sa Parañaque City noong Agosto 22, 2024, na nago-operate umano bilang isang lisensyadong offshore gaming operator upang itago ang tunay na iligal na aktibidad.
Sa hiwalay na operasyon ay dalawa pang dayuhan ang nadakip ng FSU na kinilalang sina Wu Hsih Hsu, 53, isang Taiwanese national, noong Setyembre 5 sa BI head office sa Intramuros, Manila.
Si Wu ay isang ‘undesirable alien’ matapos matanggap ng BI ang impormasyon mula sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Pilipinas na mayroon itong warrant of arrest dahil sa kasong rape sa Taiwan court noong 2005, bukod pa sa ito ay ‘overstaying’ nang mahigit 20 taon. Nitong Setyembre 8 ay nadakip din ng FSU agents ang isa pang Chinese national na si Zhang Xi, 38, sa Parañaque City. Ito ay wanted sa Chinese government at Interpol. (ARSENIO TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA