December 25, 2024

6 CHINESE NA NADAKIP SA NI-RAID NA POGO SA TARLAC, NADISKUBRENG PUGANTE

Kabilang ang anim na puganteng Chinese sa nadakip nang salakayin noong Marso 13 ang Philippine offshore gaming operator (POGO) Zun Yuan Technology Corporation sa Bambanm Tarlac, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Kinilala ang anim na puganteng wanted sa China na sina Wang Tao, Cao Junpeng, Jian Ling, Zhou Binbin, Wang Dechao at Shi Xiangling.

Sa nakalap na datos, kabilang sa krimeng kinasasangkutan ng mga pugante ay ang panloloko, iligal na pagtawid sa national border, pagpapatakbo ng gambling house, pagtulong sa information network criminal activities, at paggawa ng kaguluhan.

Subject ang anim sa magkakahiwalay na warrants of criminal dentention na inilabas ng Chinese police sa pagitan ng Hunyo 2019 hanggang Marso 2024.

Ayon sa PAOCC, ang anim na pugante ay kanilang prayoridad para maipa-deport.

Ani pa nito, na interesado ang Chinese embassy sa Maynila na saluhin ang gastos para sa pagpapa-deport sa mga pugante at natitira pang Chinese nationals mula sa iba pang ni-raid na mga POGO sa Sun Valley Clark Hub Corporation sa Clark Freeport sa Pampanga, Hong Tai sa Las Piñas City at Smart Web Technology Corporation sa Pasay City.