Positibong itinuro ng biktimang si Le Chen ang mga dumukot sa kanya sa harap ng mga awtoridad sa tanggapan ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame. Naaresto sa isinagawang operasyon ang anim na Chinese national at ang kasabwat nilang Filipino. (Kuha ni ART TORRES)
NADAKIP ang anim na Chinese national at isang Filipino dahil sa pagkidnap sa kanilang kababayan sa Parañaque City, ayon sa Philippine National Police-Ant-Kidnapping Group (PNP-AKG).
Kinilala ni Police Lt. Col. Villaflor Banawagan, Luzon field unit commander ng PNP-AKG, ang mga suspek na sina Gao Tong Tong, Tian Yu, Liang Kai, Cheng Yong Qing, Zhang Bo Xu, at Wang Xuan habang ang kasabwat nila na Filipino ay si Edgar Ortiz
Ayon kay Major Ronnie Lumactod, tagapagsalita ng PNP-AKG, naaresto ang mga suspek sa isang operasyon katuwang ang lokal na pulisya ng National Capital Region Police Office sa kahabaan ng Roxas Boulevard dakong alas-11:50 ng gabi noong Lunes.
Nasagip ang biktima na kinilalang si Le Chen.
Hinigan ng mga suspek ng P84,000 ang live-in partner ng biktima na si Mariel Mirabel para sa kalayaan ng kanyang kinakasama.
Nasabat sa mga suspek ang mga cellphone, laptop computers at ilang piraso ng ebidensiya.
Nasa kustodiya na ngayon sila ng PNP-AGK at sinampahan ng karampatang kaso sa korte.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM