SINIPA sa serbisyo ang anim na miyembro ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) sa Pasig City dahil sa akusasyon ng pangongotong.Mismong si Pasig City Mayor Vico Sotto ang nag-anunsiyo sa pagsibak sa anim na miyembro ng tinaguriang ‘Blue Boys’.
Aminado ang alkalde na masakit sa kanya na gawin ang naturang desisyon ngunit hindi naman aniya maaaring pagbigyan na lamang ang mga ito.
“Kakapirma ko lang sa dismissal order ng 6 na TPMO enforcers/Blue Boys, dahil sa kotong,” ani Sotto.Hindi naman na tinukoy ni Sotto ang pagkakakilanlan ng mga sinibak na TPMO at hindi rin nagbigay ng iba pang detalye hinggil sa pagkakasibak ng mga ito.
Sa halip, nagpahayag ng pag-asa ang alkalde na magsisilbing aral ang nangyari sa iba pang tauhan ng TPMO at hindi na gagawa pa ng anumang iregularidad gaya ng pangongotong –ROMMEL C. JAVIER
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA