November 19, 2024

6 BIKTIMA NG CRYPTO TRAFFICKING RING NAILIGTAS SA CLARK

NAILIGTAS ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na pinaniniwalaang biktima ng cryptocurrency trafficking ring sa Clark International Airport sa Pampanga.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nakatakdang sumakay ang mga nasagip sa Jetstar flight papapuntang Phnom Penh, Cambodia nang mabisto ang illegal na paglabas sa bansa.

Natuklasan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI na nagpanggap ang anim na biktima na magkakakilala pero ng tanungin ang pangalan nila ay lumabas na hindi nila kilala ang isat-isa.

“They gave inconsistent answers to questions fielded by our officers during the interview which raised suspicions that they were merely disguised as tourists but their purpose is to work abroad,” ayon kay Tansingco.

Sinabi naman ni TCEU acting head Ann Camille Mina na bukod sa hindi magkakilala ay nagpakita ang anim ng pekeng return tickets.

Lumabas sa imbestigasyon ng (TCEU) na ang anim ay pinalusot ng nakatalagang immigration officer sa immigration counter.

Inamin ni Tansingco na may tatlong person of interest na ang BI sa naturang kaso.   

Inanunsyo ni Tansingco na tinanggal na niya sa pwesto at kasalukuyang nakasalang sa imbestigasyon ang immigration officer na humawak sa dokumento ng anim na pasahero. “Eventually, they admitted that they will be working in a call center in Cambodia and were recruited through Facebook.  They also presented fake return tickets. Eventually, they admitted that they will be working in a call center in Cambodia and were recruited through Facebook,” ayon pa sa BI.