Arestado ang anim na sugarol kabilang ang apat na babae matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Joel Mahusay, 43, (user), Benjamin Dela Cruz, 22, garbage trader, Jean Rose Almonte, 21, Elsie Soriano, 18, Joan Mangaring, 39, garbage trader at Marita Mijares, 41, garbage trader.
Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity na kilala bilang “Lucky Nine” sa Estrella St., Brgy. Tañong.
Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PSSg Mitchum Caoy sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Zoilo Arquillo saka nakipag-coordinate sa mga tauhan ng Sub-Station 6 sa pamumuno ni PLT Rommel Adrias.
Matapos nito, isinagawa ng pinagsanib na mga tauhan ng SIS at SS6 ang joint operation sa naturang lugar dakong alas-10:15 ng umaga na nagresulta sa pagkakaasto sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang deck ng cards at P1,130 bet money habang narekober naman kay Mahusay ang 3 plastic sachets na naglalaman ng himigit-kumulang sa 2.37 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P16,116.00.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA