Tinatayang mahigit P.2 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa anim na mga bagong identified drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Lapu- Lapu Avenue corner Dalagang Bukid St., Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni Lorena Estavillo alyas “Daisy”, 63, (Pusher/Newly Identified) ng Navotas City.
Nang tanggapin ni Estavillo at ng kanyang kasabwat na si Arjay Ungui alyas “RJ”, 28, ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Kasama ring nadakma ng mga operatiba ang tatlong parokyano umano ng dalawang suspek na si Reynaldo Castillo, 41, Albert Desabille, 39, at Zaldy Manio, 61, na nakuhanan din ng tig-isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Ani PSSg Jerry Basungit , tinatayang nasa 29 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php197, 200.00 ang narekober ng mga operatiba sa mga suspek, kasama ang marked money.
Dakong alas-2 ng madaling araw nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy bust operation sa Rizal Ave. Extention Brgy.Tañong si Pol Bryan De Jesus, 35, at nakuha sa kanya ang nasa 8 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php 54,400.00 at P500 buy bust money.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA