NAKAKASIGLANG balita para sa ekonomiya ang patuloy na pagbaba ng inflation rate ng bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang video message, ikinatuwa ng Pangulo ang 6.1 percent ng inflation rate ng Pilipinas at pagdami ng bilang ng may trabaho.
Today we received encouraging news that our inflation rate has now gone down – our headline inflation rate has gone down from 6.6 percent to 6.1 percent, and our employment figures are also improving,” aniya.
“And so, it would seem that we have started off in the right direction, on the right foot. Tama naman yata ang ating ginawang mga polisiya para buhayin ulit at gawing masigla ulit ang ating ekonomiya,” dagdag pa nito.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 6.1% ang naitalang headline inflation para sa nagdaang buwan ng Mayo.
Ayon sa PSA, ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Mayo 2023 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng transport, food at non-alcoholic beverages, at restaurant at accommodation services. “Sa ngayon, ‘yung growth rate natin ay maganda pa rin at siguro isa na sa pinakamaganda sa buong mundo ang ating growth rate. So lumalaki nang lumalaki at sumisigla ang ating ekonomiya,” saad ni Marcos Jr.
“Kaya’t mukhang tama ang ating ginagawa. Ipagpatuloy natin ang ginagawa natin para naman makita natin na bumalik tayo sa magandang sitwasyon ulit,” wika pa nito.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag