Umabot sa 58 katao ang namatay matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Central African Republic.
Naganap ang insidente noong Biyernes ng hapon sa Mpoko River sa labas ng kabisera ng capital Bangui, ayon kay Thimas Djimasse, civil protection chief.
“The victims were heading to the town of Mokola for a funeral. We have so far retrieved the bodies of 58 people,” ani ni Djimasse.
Sinasabing overloaded ang nasabing bangka, dagdag niya na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.
Sa ulat ng local media, mahigit sa 300 katao ang sakay at may mga volunteers na rin sa site para sa rescue efforts.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE