January 23, 2025

56% NG BOTANTE MGA KABATAAN – COMELEC

Karamihan sa mga boboto ngayong May 09, 2022 National and Local Elections ay kabilang sa hanay ng mga batang botante.

to ay base sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) kung saan sa kabuuang 65.7 million na mga registered voters ay 56% dito ay mga bata at mga first time voters.

Sa naturang datos 23.9 million (36.4%) ay mga “Millennials” o edad 26-41 years old at 13 million (20%) naman ay kabilang sa hanay ng “Gen Z” o mga edad 18-25 years old.

Nasa 16.7 million naman ang mga botante na edad 42-57 years old at 11.9 million na mga botante ang kabilang sa iba pang age group.
Dahil dito, sinabi ng COMELEC na kung magkakaisa ang mga kabataan ay maaari nilang maipanalo ang kanilang nanaising maging susunod na mga lider ng Pilipinas.