November 10, 2024

$540 SAGING NA-EXPORT NG PH SA CHINA (Sa unang 9 na buwan noong 2021)


Umabot sa $540 milyon halaga ng saging ang na-export na saging ng Pilipinas sa China sa unang 9 na buwan noong 2021.

Ayon sa report, ito ay umabot sa 34.2% ng kabuuang halaga ng na-export na saging ng Pilipinas, at nakapagtala ng year-on-year growth rate na 47.4%. Sa bilang na ito, 1.24 milyong metrikong tonelada ng saging ng Pilipinas, o 36.8% ng kabuuang na-export ng saging ng bansa ang naihatid sa China sa panahong ding iyon, tumaas ng 38%.

Kumokonsumo ang China ng 9 milyong metrikong tonelada ng saging bawat taon. Ang paglago ay lalong nagpatibay sa posisyon ng Pilipinas bilang No 1 na supplier ng saging ng China. Sa unang 11 buwan ng 2021, ang saging ng Pilipinas ay patuloy na nangingibabaw sa merkado ng China na may share na 44.2%.

Ang kalakalan sa pagitan ng China at Pilipinas ay nagdudulot ng malaking benepisyo sa local farmers.

“Because if the relationship between (the Philippines and) China will be continue like this, the business industry will be good,” saad ni Mr. Gonzali, isang banana farmer na nagtatarabaho sa Continental Farm Corporation sa Mindanao.

“More Philippines’ boxes (of bananas) go to China, and we earn more salary,”  sambit naman ni Ms. Amora, isa pang banana farmer.

Umaasa naman si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian na mas marami pang saging at iba pang prutas mula sa Pilipinas ang ma-export sa China ngayong 2022.

“Pag may tiyaga, may nilaga,” dagdag pa nito sa kanyang Facebook page.