November 24, 2024

510 ILEGAL NA DAYUHAN, NAARESTO NITONG 2020

Umabot sa 510 na ilegal na dayuhan ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) noong 2020 dahil sa paglabag sa immigration laws sa Pilipinas.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto ang mga nagkasalang dayuhan sa mga ikinasang enforcement operation ng mga tauhan ng intelligence division ng BI sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Karamihan aniya sa mga nadakip ay mga Chinese na sangkot sa illegal online gaming at cybercrime activities.

Gayunpaman, sinabi ng BI, na mas mababa ang bilang ng illegal aliens na naaresto ngayong taon kung ikukumpara sa mahigit 2,000 dayuhan ng ahente ng BI noong 2019.
 

“Because of the pandemic and community quarantines imposed, there was a decrease in the movement of aliens,” saad ni Morente.

“A lot of foreign nationals also joined repatriation flights back to their home countries,” dagdag pa niya.

Batay kay BI intelligence chief Fortinato Manahan Jr., kabilang sa mga naaresto ay ang 332 Chinese nationals sa Tarlac noong nakaraang Disyembre na ilegal na nagtatrabaho sa bansa at sangkot sa cybercrimes.

Kabilang din sa nadakip ang 14 Indian nationals sa General Santos City noong Pebrero, 2020 at 30 pa sa kanilang kababayan sa Quezon City noong nakaraang Marso, dahil sa umano’y overstaying at sa kawalan ng sapat na dokumento. Idinagdag pa ni Manahan na nadakip din sa dalawang operasyon noong Pebrero at Marso nitong nakaraang taon ang 14 South Korean at 2 Vietnamese na nahuli na walang permit at sangkot sa unauthorized business activities.

Napag-alaman din na nasakote rin ng BI agents katuwang ang military intelligence operatives ang mga hinihinalang teroristang dayuhan sa Mindanao, kabilang ang Indonesian na asawa ng isang suicide na naaresto sa Jolo, Sulu noong Oktubre na kinasuhan ng BI dahil sa undesirability at pagiging illegal entrant.