UMABOT sa 51 katao ang nasawi nang mangyari ang gas explosion sa isang coal mine sa South Korasan Province sa Iran.
Nangyari ang aksidente dulot ng methane gas explosion sa dalawang blocks (B at C), ng privately-owned mine na ino-operate ng Mandajoo company.
Ayon pa sa ulat, 17 minero ang nawawala at pahirapan pa silang mahanap ng rescue team dahil 400 metro ang kanilang layo mula sa kanilang lokasyon. Inaasahang masasagip sila bukas kapag natanggap na ang rubble at excess gas.
Sinasabing may 69 workers sa nasabing mga blocks nang mangyari ang pagsabog.
“76% of the country’s coal is provided from this region and around 8 to 10 big companies are working in the region including Madanjoo company,” ayon sa governor ng South Khorasan Province Ali Akbar Rahimi.
Sumailalim sa masusing inspeksyon ang nasabing minahan noong nakaraang buwan at sumunod sa lahat ng safety regulations.
Pinabulaanan ni Labor Minister Ahmad Meydari na mayroong nangyaring pagkukulang at sinabing nangyayari ang ganitong mga aksidente sa iba pang minahan sa buong mundo.
Inaalam na ng public prosecutor ng kanilang bansa ang nangyaring insidente.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay sina Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei at President Masoud Pezeshkian ng Iran sa pamilya ng mga biktima.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL