Mahigpit na naglabas ng babala si Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa mga residente na nag-oorganisa at sumasali sa malalaking pagtitipon na maaring maging sanhi ng coronavirus outbreak sa siyudad.
“Lahat ng mga mapapatunayang lumabag sa ating guidelines at mga ordinansa lalo na ‘yung mga nagkukumpulan at nag-iinuman o nagka-karaoke ay iisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) at maaaring makasuhan sa ilalim ng RA 11332,” giit ni Belmonte.
“Kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at paghihigpit dahil nananatili pa rin ang peligrong hatid ng COVID-19 sa paligid,” dagdag pa niya.
Inilabas ng alkalde ang naturang pahayag matapos magpositibo sa COVID-19 ang 51 indibidwal nang dumalo sa isang improvised pool party at nag-inuman sa Barangay Nagkaisang Nayon.
Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng lungsod, isinailalim na sa swab test ang 610 na dumalo sa kasiyahan kung saan 51 ang nagpositibo.
Sa mga ito, 31 na ang nasa isolation facilities. Nasa 18 pa ang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test.
Ang naturang komunidad ay isinailalim sa lockdown simula Mayo 14.
Pinatawan na rin ng show-cause order ang chairman ng barangay upang imbestigahan ang pangyayari.
“We will investigate the local officials for possible administrative neglect or misconduct,” saad ni City Legal Officer Attorney Orlando Paolo Casimiro.
Hinimok naman ni Belmonte ang mga taga-Quezon City na huwag matakot i-report ang mga paglabag sa health protocol. “We encourage the public to take photos and videos whenever possible and report to us by calling our Hotline 122. We assure them that we will take swift action as this is a matter of protecting the health and safety of the whole city,” said Belmonte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA