November 3, 2024

500,000 DOSES NG SINOVAC VACCINES DUMATING NA

PHOTO: PNA

DUMATING ngayong umaga ang 500,000 doses ng mga bakuna sa bansa.

Ayon sa MIAA, lumapag dakong alas-7:35 kaninang umaga sa Bay 49 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Cebu Pacific flight 5J-671 lulan ang 500,000 na Sinovac vaccine mula China.

Noong May 14, ang CEB ay nakapagdala na rin ng 81,400 doses ng mga bakuna sa Tuguegarao, 9,800 para sa Masbate, habang noong Mayo 17, ligtas itong lumipad dala ang 4,360 doses na mga bakuna patungo sa Virac Catanduanes.

Nasa 6,000 naman ang ligtas na naihatid ng nasabing air carrier noong Mayo 18, sa Bacolod, Habang nasa 28,800 naman ang kanilang nailipad na mga bakuna sa Butuan City, 46,400 sa Cotabato, 28,800 sa Cagayan de Oro, 5,000 sa Puerto Princesa, at 30,800 naman sa Zamboanga City.

Ayon sa Cebu Pacific, ligtas na naihatid ng air carrier ang higit sa isang million COVID-19 vaccines mula Maynila patungong Davao, Legazpi, at Tacloban sa mga nagdaang linggo.