December 25, 2024

500 PDLS SA BILIBID INILIPAT SA OCCIDENTAL MINDORO

ISA pang batch ng 500 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Muntinlupa City ang inilipat nitong Biyernes ng hapon sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Dahil ditto, umabot na sa 5,170 ang bilang ng PDLs na nailipat mula sa NBP patungo sa iba’t ibang Operating Prison and Penal Farm (OPPF) sa bansa simula Enero ngayong traon, ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Sa 500 PDLs na nailipat, 200 ay nanggaling sa maximum camp, 2000 sa medium camp at 100 mula sa Reception and Diagnostic Center.

Ayon kay Catapang, ineskortan ang mga PDLs ng 100 Correction Officers na binubuo ng SWAT, Medical personnel at escort teams sa pamumuno ni CCINSP Ronolpo Salonga sa tulong ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard at South Luzon Expressway/Star Toll Mobile Patrol Group.

Ang paglilipat sa PDLs aniya ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bureau upang lumuwag ang siksikang NBP at punan ang pangangailangan ng mga manggagawa ng OPPF sa pamamagitan kanilang Agricultural Project bilang siporta sa Food Security program ng gobyerno.

Noong nakaraang taon, umabot sa 2,309 PDLs ang nailipat.

Dagdag niya, ang paglilipat sa PDLs ay bilang bahagi rin ng paghahanda para sa nakatakdang pagsasara ng BuCor sa 2028.