SHOOT sa kulungan ang limang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng ilegal na droga nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLT COL. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Paupau”, 22, estudyante, alyas “One”, 22, Delivery Rider, alyas “Kulot”, 19, estudyante, alyas “Ruzzel”, 25 , Funeral Boy at alyas “Cooper”, 56, carpenter at pawang residente ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt. Col. Sales na dakong alas-11:43 ng gabi nang maaresto ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora ang mga suspek sa loob ng isang bahay sa P. Gomez Street Barangay 154, Bagong Barrio.
Nakumpiska ng mga operatiba ng DDEU sa mga suspek ang nasa 17 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P115,600, 28 pirasong disposable vape na naglalaman ng suspected cannabis flower oil na nagkakahalaga ng P196,000, buy bust money na isang P500 bill, at dalawang P1,000 boodle money, digital weighing scale, at ilang drugparaphernalias.
Bago ang pagkakaaresto sa mga suspek, nakatanggap na ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa umano’y pagbebenta ni alyas Paupau ng droga kaya nang magawa umano nilang makipagtraksasyon sa suspek, ikinasa nila ang buy bust operation katuwang ng Caloocan Police Sub-Station (SS5).
Nang tanggapin umano ni ‘Paupau’ ang marked money mula sa pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas One habang naaktuhan naman ang tatlo pang suspek na sumisinghot ng shabu.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
P1.5-M SHABU NASABAT NG BOC-NAIA SA CMEC