November 2, 2024

5 sangkot sa droga timbog sa P69K shabu sa Navotas

A drug user inhales “Shabu”, or methamphetamine, at a drug den in Manila, Philippines February 13, 2017. Picture taken February 13, 2017. To match Insight PHILIPPINES-DRUGS/ REUTERS/Erik De Castro – RTS108NE

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang Top 9 Drug Personality ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P69K halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 1 kahapon ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa buy bust operation sa A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen, si Rodel Barlan, 42, (top 9 drug personality) at Raymart Bernardo, 36, (pusher/listed) matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa kanila ang nasa 2.2 gramo ng shabu na tinatayang nasa P14,960.00 ang halaga at buy bust money.

Dakong 3:10 ng madaling araw nang madakip naman ng mga tauhan ng Sub-Station 3 na nagpapartolya sa kahabaan ng Lacson St., Brgy NBBN si Virgilio Ramos, 55, residente sa naturang lugar matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P11,560.00 ang halaga.

Nauna rito, bandang 3 ng hapon nang maaresto din ng mga operatiba ng Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr. si Jonald Padilla, 23, at Dionesio Miramontes, 49, sa isinagawang surveillance at monitoring sa C3 corner R10, Brgy. NBBS Proper.

Nakuha sa kanila ang nasa 6.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P42,840.00 ang halaga habang kasama ring binitbitĀ ng mga pulis ang 17-anyos na dalagita dahil sa paglabag sa Obstruction of Justice.