Nadakma ang limang sabungero kabilang ang isang barangay tanod matapos salakayin ng mga pulis ang isang ilegal na tupadahan sa Malabon City, Linggo ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang naaresto na sina Rey Castillo Sr., 39, barangay tanod, Levy Galangue, 48, ceiling installer, Renante Ragasa, 27, Eddie Sanchez, 44, at Ronel Gregana, 31, ceiling installer at pawang residente ng lungsod.
Sa imbestigasyon nina PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon Baniqued, nakatanggap ng tawag sa cellphone mula sa isang BIN informant ang mga tauhan ng Malabon Police Station Intelligence Section hinggil nagaganap na illegal na tupadahan sa Dampsite Sitio 6, Brgy. Catmon.
Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni PLT Joseph Alcazar, kasama ang Sub-Station 4 sa pangunguna ni PLT Edgardo Magnaye sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Villanueva.
Matapos nito, sinalakay ng mga tauhan ng SIS at SS4 ang naturang lugar dakong 2:40 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska ng mga pulis sa lugar ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P3,600 bet money.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE