NAGTIYAGANG maglakbay ang limang lalaki na persons with disability (PWD) gamit ang kanilang wheelchair mula Tarlac pauwi ng Cainta.
Ayon sa netizen na si Ike Nicdao, nagbibisikleta raw siya noong Sabado sa MacArthur Highway sa Barangay Cariño, Panuqui, Tarlac nang mamataan niya ang limang PWD.
“Ang sabi nila, galing daw silang Rosales, Pangasinan pauwi ng Cainta, ayaw daw silang isakay kaya matiyaga nilang binaybay ang mahaba at delikadong daan patungong Cainta,” ayon sa post ni Nicdao.
Wika pa niya na tanging tinapay lamang ang baon ng mga nasabing PWD habang naglalakbay sila.
Umaasa rin siya na makarating sa kanilang pamilya ang kanyang post upang matulungan makauwi nang maayos ang nasabing mga PWD.
Wala na raw balita si Ike Nicdao sa limang lalaki simula nang nakalagpas sila ng kanilang barangay sa Paniqui, Tarlac.
More Stories
Armscor unveils RIA Defense brand aimed at military and law enforcement market
CONG. TIANGCO: PAGSISIKAP NG GOV’T KONTRA ONLINE CHILD ABUSE, HIGITAN
3 lalaki na nasita sa ordinansa, kulong sa P125K droga