November 24, 2024

5 PATAY SA COVID-19 SA CALOOCAN, VALENZUELA

TULOY sa pagdami ang tinatamaan ng COVID sa Caloocan City na umabot na ng 7,367, habang tatlo ang nadagdag sa binawian ng buhay, ayon sa ulat ng Caloocan Health Department kahapon, Setyembre 17.

Umakyat din sa 215 ang COVID casualties ng lungsod mula 212 noong nagdaang araw, habang sa mga COVID positive sa Caloocan ay  6, 412 na ang gumaling. 

Sa kabilang dako, pumanhik naman sa 173 ang bilang ng mga sumakabilang-buhay sa pandemya sa lungsod ng Valenzuela Setyembre 17, mula sa 171 noong nagdaang araw.

Nabatid sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit, 6,534 na ang COVID positive sa lungsod.  5,143 sa mga ito ang nakarekober na na at 1,038 ang active cases. 

Ayon naman sa City Health Department ng Malabon City, 41 ang nadagdag na confirmed cases kahapon at 4,729 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, 477 dito ang active cases.

Dumami naman ng 55 ang bilang ng mga gumaling at 4,076 na ang recovered patients ng lungsod, habang nananatiling 176 ang COVID casualties.

Samantala sa Navotas, 25 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang nadagdag at 43 namang Navoteño ang gumaling.Umakyat na ng 4,741 ang tinamaan ng COVID sa lungsod.  4,306 na ang nakarekober, 303 ang active cases at 132 na ang nauutas.