
NASAKOTE na rin ng pulisya ang lima pa sa 15 persons under police custody (PUPC) na pumuga sa kanilang temporary detention facility sa Caloocan City, noong Huwebes ng madaling araw.
Balik-kulungan sina Arnel Buccat, 19, Reymark Delos Reyes, 27, Mark Oliver Gamutia, 21, Aldwin Jhoe Espila, 25, at Reynaldo Bantiling, 35.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, naunang naaresto ang tatlo sa 15 PUPC kabilang si Harris Danacao, 23, na may kasong illegal drugs.
Patuloy pa rin ang manhunt operation ng pulisya sa pito pang PUPC na sina Martin Mama, 46, Gerrymar Petilla, 21, Hudson Jeng, 42, Norbert Alvarez, 35, Jovel Toledo, Jr. 27, Raymond Balasa, 35 at Justine Tejeros, 22.
Nabatid sa pamunuan ng Caloocan City Police, ang natakasang custodial facility ay inilaan para sa mga bilanggo na mayroon nang commitment order ng Korte para ilipat sa Caloocan City Jail (CCJ) ngunit dahil sa ang mga preso ay may sintomas ng COVID-19 ay isinailalim sila sa quarantine sa nasabing pasilidad.
Kaugnay nito, sasampahan ng kasong kriminal at adminitratibo ang dalawang sinibak na bantay nang makapuslit ang mga bilanggo.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA