Muling pinaalalahanan ng Bureau of Immigration ang mga papaalis na overseas Filipino workers (OFWs) na iprisinta nila ang kumpletong travel at work documents bago umalis.
PINALALAHANAN ng Bureau of Immigration ang mga papaalis ng overseas Filipino workers (OFWs) na dapat silang magpakita ng kompletong travel at work documents bago tuluyang makaalis.
Inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente ang paalala matapos matapos pigilan ang pag-alis ng limang OFWs sa Ninoy Aquini International Airport (NAIA) dahil sa walang kaukulang work o employment visas.
Ayon kay Morente, sa kasalukuyang panuntunan ang isang papaalis na OFW ay kinakailangan kumuha g employment visa sa bansang pupuntahan nito.
Dagdag pa ng BI Chief ang pagkakaroon ng valid overseas employment certificate (OEC) mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay hindi sapat para payagan ang isang OFW na makaalis kung wala itong working visa.
Giit pa ng opisyal na ang mga OFW na bibiyahe sa pamamagitan ng tourist visa ay hindi pinapayagang makaalis sa ilalim ng binagong guidelines ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Una rito, iniulat ng travel control and enforcement unit (TCEU) ng BI na limang lalaking pasahero ang naharang sa NAIA 3 terminal noong Nobyembre 21 bago pa mang sila sumakay sa kanilang Emirates flight patungong Dubai, United Arab Emirates.
Sumailalim sa pangalawang inspeksyon ang nasabing mga pasahero matapos na mapuna ng mga opisyales ng BI na mayroon silang UAE tourist visa pero mayroon din silang valid na OECs.
Nang ma-interview, umamin ang mga ito na sinabihan sila ng kanilang recruiters na ang kanilang papeles ay papalitan pagdating nila sa UAE at kung magpositibo sila ng test ng COVID-19 sa Dubai airport.
Sinabi pa ng mga ito na magtatrabaho sila bilang painters at pipe installers sa Emirate.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna