Inanunsiyo ng Philippine National-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na nakilala na nila ang may-ari ng limang Facebook accounts na nagpakalat ng mga larawan ng mga bangkay sa social media na ipinalabas bilang mga nawawalang sabungero kamakailan lang.
Base sa report na ipinadala kay Col. Froiland Lopez, hepe ng Cyber Patrollers and Investigation Unit, ang mga umano’y nagpakalat ng post ay sina Shierna Rose Amparado, Candice Delatorre, Anthony Dela Pena, Vincelou Mendigo Oludnacatab (Lou), at Grace Gucman Panes.
Nauna nang sinabi ng pamunuan ng PNP na ang disinformation gamit ang mga larawan ay maaaring sinadyang pagtatangka para guluhin ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga kaso ng nawawalang 31 sabungero.
Ang mga post ay nagsabi na ang mga larawan ay kuha sa Tanay, Rizal.
Nilinaw naman ni PNP-ACG chief Brig. Gen. Robert Rodriguez, ang mga larawan na kumakalat sa social media ay kuha sa nangyaring ambush incident sa Barangay Kalumanis, Guidulungan, Maguindanao, kung saan siyam ang namatay noong Pebrero 12.
“As the ACG continues to intensify its campaign against cybercriminals, I would like to once again remind the public to use social media responsibly and to avoid the spreading of fake news as disinformation only adds up to the emotional struggle and anguish of the family of the missing persons” ayon kay Rodriguez.
“Our cyber patrollers will continue to monitor daily and the authors in the spreading of fake news will be investigated,” dagdag niya.
Hinimok naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad kung may nalalaman sa 31 nawawalang sabungero.
“Sa tingin ko, maso-solve na rin ito sa lalong madaling panahon. Ang hinihintay lang natin dito lumabas pa ‘yung witnesses,” ayon kay Año. “Sobra na ito dahil 31 buhay ito at 31 pamilya ang naapektuhan at naghahanap ngayon at hindi makatulog,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA