October 14, 2024

5 MENOR DE EDAD NASAGIP VS PROSTITUSYON, BUGAW TIMBOG

NASAGIP ng mga awtoridad ang limang menor de edad na ibinubugaw para sa serbisyong sekswal sa mga kalalakihan at inaresto ang isang babae na sinasabing nagbubugaw sa kanila sa harap ng isang gasolinahan sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Police Regional Office-3 Director Police Brig. Redrico Maranan, kinilala ang suspek bilang Aira.

Nabatid na nadakip si Aira matapos niyang ibugaw ang mga menor de edad sa undercover policemen sa kabahaan ng McArthur Highway sa Barangay Balibago, Angeles City.

Agad biniyan ang mga biktima, pawang mga residente ng Angeles City, ng assistance at medical examination.

Ayon kay Maranan, ang naturang operasyon ay isang tagumpay laban sa human trafficking.

“This operation highlights the continuous efforts of law enforcement agencies and partner organizations in combating human trafficking and safeguarding the rights and welfare of vulnerable individuals in the community,” aniya.