November 24, 2024

5 LUGAR SA METRO NASA COVID-19 MODERATE RISK LEVEL

InanunsIyo ng Department of Health (DOH) na limang lugar sa Metro Manila ang isinailalim sa moderate risk classification dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.

“Sa ngayon, dito sa National Capital Region, we have five areas under moderate-risk classification,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang public briefing.

Kinabibilangan ito ng Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina at Pateros.

“Kaya sila napunta sa moderate-risk case classification dahil nag-umpisa po tayo sa mga mababang kaso noong mga past weeks tapos bigla silang nagkaroon ng mga kaso. That’s why their growth rate began to increase, nagkaroon ng more than 200%,” paliwanag ng opisyal.

Gayunman, iginiit ng health undersecretary na walang dapat ikabahala ang lahat at payo niya sa publiko na maging maingat sa lahat ng pagkakataon. Saad pa niya, na sa ngayon, ay hindi pa kailangan itaas ang alert level sa NCR.