January 13, 2025

5 LINGGONG ECQ SA METRO MANILA (Fake news ‘yan! – DTI)


Kinontra ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga kumakalat na haka-haka na aabot sa limang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, fake news umano ang extension ng ECQ dahil hindi pa ito napag-uusapan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF).

Sambit ni Lopez, hanggang August 20 pa lang ang napag-uusapan kung hanggang kailan ang striktong quarantine.

Sa kabila ng ECQ, patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa bunsod ng pagkalat ng Delta variant.

Nitong Biyernes ay naitala ang 13,177 bagong kaso ng COVID-19, umabot na sa 96,395 ang aktibong kaso.