NADAKIP ng Manila police ang limang suspect na kinabibilangan ng tatlong Chinese na itinuturong nasa likod nang pagdukot sa tatlong kapwa Chinese sa Remedios Street, Malate, Manila.
Kinilala ang mga nadakip na sina na sina Wang Joe, 28; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin Yuan, nanunuluyan sa Bayfort West, kanto ng Mabini St., at P. Gil St., Malate, Maynila, mga kasabwat na sina Kenneth Querubin, at si Noel Fame Dioneda.
Ayon sa MPD-Station 5, naaresto ang mga suspek dahil sa report ng isa ring Chinese na si Jeff Wang na kasamahan ng mga biktimang sina Yang Han, Xu Wen Yang at Cui Shao Kun.
Sa salaysay ni Wang, nasa Remedios Street, Malate, Maynila siya at mga biktima nang tangayin ng mga suspek ang kanyang mga kaibigan at isinakay sa isang van.
Humihingi aniya ng tatlong milyong pisong ransom ang mga suspek upang mapalaya ang mga biktima. Agad na nagpadala ng responde si PLt/Col John Guiagui para sa entrapment operation kasama ang mga operatiba ng Tactical Motorcycle Rider Unit na nagresulta sa pagkakadakip sa mga salarin na nahaharap ngayon sa kasong kidnapping for ransom at paglabag sa RA 10591 o comprehensive firearm and ammunition regulation act.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA