Limang bayan sa lalawigan ng Cagayan ang pinakabagong makikinabang sa Multi-Purpose Evacuation Center (MPEC) project ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos i-turnover kamakailan lang ahensiya ang pondo para sa mga benepisyaryo upang pormal nang masimulan ang pagpapatayo ng nasabing istraktura.
Nakatanggap ang munisipalidad ng Tuao ng P25 milyon – ang first tranche ng P50 milyong pondo para sa pagpapatayo ng two-storey MPEC 0 sa ginanap na groundbreaking ceremony noong Oktubre 9, 2021.
Samantala, nakatanggap ang mga munisipalidad ng Solana, Peñablanca, Iguig at Amulung ng tig-P6.35 milyon o a ng inisyal na pondo para sa pagpapatayo ng MPECs na may halagang P12,7 milyon bawan isa sa magkakahiwalay na groundbreaking rites noong Oktubre 10, 2021.
Ayon kay Tuao Mayor Francisco Mamba, habang mayroon pa silang evacuation facility sa kanlurang bahagi ng bayan, ay malaki pa rin ang maitutulong ng isa pang evacuation sa Tuao East – kung saan pinondohan ng PAGCOR para maipatayo –upang matiyak na magkakaroon ng ligtas na lugar ang mga tao sa oras ng kalamidad.
“Having an additional emergency facility to house our evacuees in times of calamities is a huge blessing for us. It will enable us to perform our emergency response services more efficiently,” ayon kay Mamba.
Ang Solana, ang ikalawa sa may pinakamaraming populasyon na bayan sa lalawigan, ay kinakailangan ng permanenenteng emergency shelters dahil karamihan sa mga residente ay nakatira sa mga bahay na gawa sa light materials. Kapag sobrang sama ng panahon, hindi lamang ari-arian nila ang puwedeng mawala sa kanila kundi maging ang kanilang buhay.
“Kailangang-kailangan talaga ng evacuation infrastructure ng ilang lugar dito sa Solana kasi marami sa mga bahay rito ay gawa sa light materials lang at kapag binabagyo, Signal No. 1 pa lang, naghahanda na kami para maglikas ng mga tao. Kaya’t labis ang aming pasasalamat sa PAGCOR sa pagkakaloob sa amin ng MPEC,” sambit ni Solana Mayor Jennalyn Carag.
Dagdag pa ni Malalam Macabibi Barangay Chairman Glory Tangaro, mawawala na ang pangamba nila dahil sa itatayong emergency shelter sa Solana.
“Mawawala na ang pangamba ng mga tao dito sa amin kung saan tutuloy sa mga panahon ng kalamidad. Noong isang taon kasi nagdulot ng mataas na baha ang Bagyong Ulysses. Lampas-tao yung tubig kaya’t lahat ng nakatira sa barangay namin eh napilitang umakyat sa bubong ng kanilang mga bahay at maging sa school namin,” kuwento ni Macabibi.
Nagpasalamat naman si Mayor Elpidio Rendon ng bayan ng Amulong sa PAGCOR para sa MPEC na malapit nang maitayo sa Amulong East. “Ito po ay pinaka-hihintay talaga namin dahil ang aming bayan ay madalas binibisita ng baha, bagyo at iba pang kalamidad. May masisilungan na ang aming mga kakabayang nasa Amulong East,” saad niya.
Maging ang pinakamababang bayan ng Iguig, na palaging binabaha tuwing tag-ulan, ay makatatanggap ng one-storey MPEC na pinondohan ng PAGCOR. “Timing po itong pagbibigay sa amin ng bagong evacuation center. Seven barangays in low-lying areas will greatly benefit from this,” sambit ni Iguig Mayor Ferdinand Trinidad.
Samantala, ang pinakamalayong bayan ng Peñablanca, na nasa paanan ng Sierra Madre, ay nakatanggap rin ang malapit nang maitayo na PAGCOR-funded MPEC. Ayon kay Mayor Washington Taguinod, na kahit nasa kalagitaan ng pandemya, hindi pa rin handa ang kanilang bayan sa matinding sama ng panahon. Bukod sa malakas na mga bagyo, ibinahagi rin ni Peñablanca na bumabaha rin sa kanila sa tuwing napupuno ang mga ilog dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.
Bukod sa Cagayan, kabilang din sa mga lugar na nakatanggap ng MPEC na pinondohan ng PAGCOR ay ang mga probinsiya ng Pampanga, Albay, Camarines Sur, Mountain Province, Ilocos Sur, Quezon Province, Zamboanga del Sur, Romblon, Capiz, Samar, Tarlac, Aurora, Bataan, Southern Leyte, Batangas, Laguna, Pangasinan, Isabela, Catanduanes, Oriental and Occidental Mindoro, Cavite, Laguna, Isabela at Caloocan
Simula nang ilunsad noong 2020 itong MPEC project, umabot na sa P984.65 milyon ang nailabas ng PAGCOR para sa pagpapatayo ng 44 evacuatoin centers sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT