Nag-courtesy call kay President-elect Bongbong Marcos ang ilan pang mga foreign Ambassadors karamihan mula sa Europa ngayong linggo.
Kinumpirma ng kampo ni Marcos Jr na nasa limang Ambassadors ang nakipagkita ngayong araw, June 10 kay BBM sa kaniyang headquarters sa Mandaluyong City.
Kabilang sa mga envoy na makikipagkita kay Marcos ay sina Ambassador Gustavo Gonzales, United Nations (UN) Representative to the Philippines, Ambassador Annika Thunkera of Sweden, Ambassador Charles Brown of the Holy See, Ambassador William Carlos of Ireland, at Ambassador Alain Gaschen ng Swiss Confederation.
Ibinahagi ng Sweden envoy na napag-usapan nila ni President-elect BBM ang hinggil sa rule of law, war on drugs at human rights.
Natalakay naman ng UN envoy sa kaniyang courtesy call kay BBM na natalakay nila ang hinggil din sa human rights, kapayapaan at climate change.
Isinagawa ang naturang pagpupulong mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Nauna ng nag-courtesy call ang ambassadors mula sa Spain, germany at morocco kay incoming president Marcos kung saan nito lamang Huwebes nakipagkita si marcos sa top official ng Amerika na si Deputy Secretary of State Wendy Sherman.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA