
NASAKOTE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang Chinese citizens na umano’y pag-espiya sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard assets sa Palawan.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ilan sa miyembro ng grupo ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos bumalik mula Palawan, kung saan nagsasagawa umano sila ng aerial surveillance.
Nadakip ang dalawang suspek sa NAIA noong Enero 24, isa sa Binondo, at isa pa sa Intramuros noong Enero 25. Nadakma naman ang umano’y lider sa Dumaguete kung saan siya naninirahan kasama ang kanyang asawa.
Kabilang aniya sa mga naaresto ay isang field commander, dalawang intelligence operatives, isang financier, at isang miyembro.
“Ang kinukunan ng drone nila ay ‘yang barko natin… pag na-close up ‘yan, makikita natin ‘yan ay isang barko ng Philippine Navy,” saad ni Santiago.
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification