June 26, 2024

5 CHINESE, 1 PINOY TIMBOG SA SHOOTING INCIDENT SA PARAÑAQUE


TIKLO ang limang Chinese national at isang Filipino na sangkot umano pamamaril sa dalawang lalaking Chinese sa Paranaque City noong madaling araw ng Hunyo 15.

Ayon sa Southern Police District (SPD), base sa report na isinumite ni Parañaque City Police Chief, Col. Melvin Monante, kinilala ang mga suspek na sina alyas Peng, 43; alyas Cheng; alyas Deng, alyas Tu; alyas Liu at alyas Ken, isang Filipino driver/bodyguard at resident eng Barangay San Isidro. Paranaque City.

Ayon sa SPD, nakatakas naman ang apat pang suspek na nakilalang sina alyas Yu, 32; at Bo, kapwa Chinese national, alyas Marlon at alyas Tony, na kanilang Filipino driver.

Isinugod naman sa Ospital ng Paranaque ang mga biktimang na may parehong pangalan na ayas Li para gamutin matapos magtamo ng tama ng bala sa ibabang bahagi ng katawan.

Base sa imbestigasyon ng Paranaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa isang residential building na matatagpuan sa Roxas Boulevard, Paranaque City.

Sa nakalap na CCTV footage ng pulisya, makikitang pumasok ang apat na lalaki sa unit ng mga biktima at binaril ang mga ito dahil umano sa hindi nabayarang utang.

Ayon sa mga saksi, matapos makarinig ng malakas na putok ng baril, lumabas ang anim na lalaki sa unit ng gma bktima. Nakita nila ang duguang mga biktima na may tama ng bala.

Nadakip si alyas Peng at Deng sa hotel room sa Pasay City habang naaresto si Cheng sa Clark, Pampanga. Narekober sa kanila ang isang .22 magnum revolver at .9mm pistol na may ammunitions.